Panibagong bagyo, kasalukuyang binabantayan ng Pag-asa

Matapos lumabas ang bagyong Dodong sa bansa kaninang ala-una nang madaling araw, ay isang tropical storm na naman ang binabantayan ng PAGASA.

Ayon kay Weather Forecaster Gener Quitlong, isang tropical storm na may international name na ‘Dolphin’ ang minomonitor nila ngayon  at tatawagin itong ‘Egay’ sakaling pumasok na sa Philippine Area of Responsibility sa susunod na linggo.

Dala ng nasabing masamang panahon ang lakas ng hangin na 65 kilometro bawat oras at posibleng maging kasing lakas din ng bagyong Dodong.

Kaya naman muling pinag-iingat ngayon ng pagasa ang mga kababayan natin lalo na sa Northern Luzon kung saan inaasahang mananalasa ang nasabing namumuong bagyo.

Speak Your Mind

*