Panibagong oil price hike, nakaamba na naman ngayong linggo

Nakaamba na naman ngayong linggo ang panibagong pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

Ayon sa source mula sa Oil Industry, posibleng umabot ng piso kada litro ang magiging dagdag sa presyo ng gasolina.

Habang 65-sentimos kada litro naman ang dagdag sa diesel.

Ang pagtaas ay dulot pa rin sa paggalaw ng presyo ng krudo sa world market.

Sa kasalukuyan ay naglalaro sa pagitan ng 41 hanggang 42 piso ang kada litro ng gasolina habang ang diesel naman ay nasa 31 hanggang 32-piso kada litro.

Speak Your Mind

*