Papua New Guinea, niyanig ng magnitude seven point two na lindol

Niyanig ng magnitude seven point two na lindol ang Papua New Guinea kahapon.

Naitala ang epicenter ng lindol 150 kilometer Southwest ng bayan ng Arawa sa lalim na sampung kilometro.

Wala namang naitalang pinsala o nasugatan at wala ring inilabas na tsunami warning bunsod ng lindol.

Ang nasabing pagyanig ang pinakahuli sa serye ng mga lindol doon sa mga nakalipas na araw.

Speak Your Mind

*