POEA, nagpaalala sa mga jobs seeker na mag-ingat sa mga recruitment agency

Patuloy na nagpapaalala ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Region 1 sa mga job seekers na mag-ingat sa mga recruitment agency na nag-aalok ng trabaho.

Ayon kay Poea Regional Director Delfina Camarillo, na mas mabuting magtanong sa kanilang tanggapan kung ang isang recruitment agency na nag-aalok ng overses employment opportunities ay lisensyado ng POEA.

Ito ay upang matiyak at malaman kung ang isang recruitment agency ay may dalang jobs orders o wala.

Sinabi pa ni Camarillo na dapat tiyakin rin kung ito ay may hawak ng mga dokomento na special recruitment authority para malaman kung ito ang lehitimong lisensyado ng POEA.

Speak Your Mind

*