Red Cross Pangasinan, patuloy na paghihikayat ng bulontaryong pagdo-donate ng dugo

Nananatiling sapat ang suplay ng dugo para sa pangangailangan ng mga pasyente sa lalawigan ng Pangasinan.

Kasabay nito, patuloy na nananawagan ang Philippine National Red Cross – Pangasinan Chapter nang bulontaryong pagdo-donate ng dugo upang matustusan ang suplay ng dugo sa lalawigan.

Nananatili naman umano ang target ng Red Cross sa 117 bags ng dugo kada araw kayat bukas ang kanilang tanggapan araw-araw para sa mga walk-in donor.

Pinaigting na rin umano ng Red Cross ang Blood Council sa bawat bayan sa Pangasinan upang mas makalikom ng mas maraming suplay ng dugo.

Speak Your Mind

*