San Roque Power Corporation, magsasagawa ng ilang araw na maintenance shutdown

Tiniyak ng National Irrigation Administration (NIA) Urdaneta City na sapat pa rin ang patubig para sa wet cropping ngayong buwan ng Hunyo.

Ayon kay Engr. Sergio Martinez, ang spokesperson ng NIA – Urdaneta, malaking tulong ang pag-ulan na nararanasan sa hapon o gabi para madagdagan ang tubig sa San Roque Multi-Purpose Dam.

Sa kasalukuyan ay nasa 242.42 meters above sea level ang naka-imbak sa nabanggit na dam kung saan ang critical level nito ay 225 meters above sea level.

Samantala, nabatid na mula Mayo a-bente sais hanggang Hunyo a-kuwatro ay magsasagawa ng Maintenance Shutdown ang San Roque Dam.

Wala naman umano itong epekto sa mga magsasaka dahil tapos na ang anihan.

Speak Your Mind

*