Sen. Marcos, sisikaping mabuo ang committee report para sa panukalang BBL

Nangako si Sen. FERDINAND ‘’Bongbong Marcos Jr., na sisikapin nitong matapos ang committee report para sa panukalang Bangsamoro Basic law (BBL) bago matapos ang buwan ng Mayo.

Sinabi ni Marcos na syang chair ng senate committee on local government na may tatlo pang pagdinig ang senado kaugnay sa panukalang bbl.

Kabilang na rito ang two-day marathon hearing na gagawin sa Jolo, Zulu at Zamboanga bukas at sa Huwebes.

Nauna nang sinabi ni Sen. Marcos na hindi tatalima ang Senado sa kagustuhan ng malakanyang na huwag amyendahan ang panukalang batas.

Marami anya ang dapat amyendahan sa BBL kung saan maging ang mga kapwa senador ay may kanya-kanyang intensyon na amyendahan ang ilang probisyon sa BBL.

Kaya naman ani Marcos ay asahan na ang mahabang deliberasyon ng mga senador sa BBL pagdating sa plenaryo.

Speak Your Mind

*