11 Recruitment Agency, kinasuhan ng POEA dahil sa ilang paglabag

Kinasuhan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang may labin isang (11) recruitment agency na nakitaan ng ilang mga paglabag.

Kabilang sa mga ito ang NRS Placement Inc.; Ms Brains International Manpower Services; M & P Employment Inc.; Creative Artist Placement Services Inc.; Care international Placement Corp.; Bionic Manpower Services; Femex Recruitment Agency; Rejoice Employment Agency; Arjoy’s Human Resources Management; Gold & Green Manpower Management at Rotana International Manpower.

Ayon kay POEA Administrator Hans Leo Cacdac, ilan sa mga makitang paglabag ang hindi paglagay ng Organizational Chart sa opisina; walang awtorisadong resibo mula sa BIR; at hindi maayos na rehistro ng mga pagsasanay, kakulangan ng anti-illegal recruitment poster; mga nakapaskil na bakanteng trabaho ngunit kulang sa impormasyon.

Speak Your Mind

*