Asin industry sa bayan ng Dasol, apektado na ng nararanasang pag-ulan

Apektado ang paggawa ng asin sa bayan ng Dasol, Pangasinan sa pag-uumpisa ng panahon ng tag-ulan.

Tiniyak naman ni Municipal Agriculture Officer Vilma Nifas na sapat pa rin ang stock ng asin sa Dasol at sinusuplayan pa nila ang ibang probinsya sa bansa.

Gayunman, sa Nobyembre pa inaasahang muling mag-uumpisa ang produksyon ng asin sa bayan kaya’t may posibilidad na tataas ang presyo ng kada sako nito.

Kung sa kasalukuyan ay mabibili ito ng 150 pesos ay maaaring aabot pa ito ng 300 pesos.

Samantala, sa kasalukuyan ay lubog na ang salt bed sa bayan kaya’t ang mga mag-aasin sa bayan ay nag-umpisa na rin ng kanilang panibagong mapagkakakitaan gaya ng pagsasaka at pangingisda.

Speak Your Mind

*