Barako Bull, solo lead na sa nagpapatuloy na 2015 PBA Governors’ Cup

Tinambakan ng San Miguel Beermen ang Barangay Ginebra San Miguel sa 2015 PBA Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum sa iskor na 100-85.

Nanguna sa Beermen si Arizona Reid sa kanyang dalawampu’t pitong puntos at labintatlong rebounds habang may nineteen points, nine rebounds, at nine assists si Chris Ross.

Sa  ngayon ay may limang panalo at dalawang talo na ang Beermen habang three loss at three win naman ang record ng Ginebra.

Samantala, nananatili namang nasa solo lead ng PBA Governors’ Cup ang Barako Bulls matapos nitong ilampaso ang Rain or Shine sa iskor na 112-103.

Umiskor si RR garcia ng career-high 26 points para sa energy, na naitala ang ikalimang panalo sa anim na laro habang ipinamalas ni import Liam Mcmorrow ang dominasyon, nang magtala ng double-double 32 points at 25 boards.

Speak Your Mind

*