Barangay Ginebra, pasok na sa eight-team quarterfinal round ng PBA Gov Cup

Inangkin ng Barangay Ginebra ang ika-walo at huling quarterfinals ticket sa 2015 PBA Governor’s Cup

Ito’y matapos na talunin ng Gin Kings ang NLEX Road Warriors sa iskor na 110-107 sa kanilang pagtutuos sa Smart Araneta Coliseum kagabi.

Nakabawi ang Ginebra sa three-point shot ni Japeth Aguilar sa huling 1.7 segundo sa fourth quarter para makuha ang huling quarterfinal ticket.

Makakasagupa ng Ginebra ang Alaska Aces bukas, June 26 ng 4:15 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum na susundan ng laban ng Global Port Batang Pier kontra Purefood Star Hotshots.

Speak Your Mind

*