Cleveland Cavaliers, wagi kontra Golden State Warriors sa game 2 ng NBA Finals

Tabla na ang best-of-seven series ng NBA Finals sa nagpapatuloy at umiinit na tapatan sa pagitan ng Cleveland Cavaliers at Golden State Warriors!

Nagawang itabla ni Lebron James ang serye sa 1-1 matapos nitong gumawa ng triple double sa naganap na overtime game ng Cavs at Warriors ngayong araw sa Oracle Arena.

Pinangunahan ni James ang Cavs kontra Warriors sa score na 95-93 kahit pa wala ang mga kasamahan niyang superstar na sina Kyrie Irving at Kevin Love dahil sa injuries.

Bagamat nahirapan ang Cavaliers na maitabla ang serye dahil sa overtime game ay nakatuwang naman ni King James sina Timotey Mozgov na nag-ambag ng 17 points habang may 13 points naman mula kay j.r smith.

Kinapos ang pwersa ng Warriors na pinangunahan ni Klay Thompson na umiskor ng 34 points habang may 19 points naman si Stephen Curry.

Speak Your Mind

*