Dalawang hepe ng pulis sa Pangasinan, binigyang parangal

Binigyang parangal ang dalawang hepe ng pulisya sa lalawigan ng Pangasinan sa kanilang kontribusyon at suporta sa pagsasagawa ng iba’t ibang matagumpay na Police Community Relations (PCR) Activities.

Ang mga pinarangalan ay sina Police Supt. Cristopher Abrahano, ang hepe ng Dagupan City Police Station bilang Outstanding Senior PCO at Police Chief Inspector Ryan Manongdo, ang hepe ng Pozorrubio Police Station bilang Outstanding Junior para sa taong 2014-2015.

Ang nabanggit na aktibidad na pinangunahan ni OIC Provincial Director, Police Senior Supt. Rollie Saltat ay bahagi ng kick-off ceremony ng 20th PCR Month Celebration na may temang “Matibay na Ugnayan ng Mamamayan at Pulisya, Simbolo ng Kapayapaan at Kaunlaran ng Sambayanan”.

Naging pangunahing bisita at taga-pagsalita sa aktibidad si Mayor Silverio Dionio Alarcio jr. ng bayan ng Laoac.

Bukod sa dalawang nabanggit na mga hepe ng kapulisan ay ginawaran din si Mayor Alarcio ng parangal bilang Oustanding Local Chief Executive sa Pangasinan dahil sa suportang ibinibgay nito sa mga PCR Activities.

Isinagawa ang awarding sa Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) sa bayan ng Lingayen.

Speak Your Mind

*