Daniel Matsunaga at Erich Gonzales, inuulan ngayon ng kontrobersya

Inuulan ngayon ng kontrobersya ang magkasintahang sina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales.

Ito’y matapos akusahan si Erich na nagbibigay ng mga mamahaling regalo sa family ni Daniel bagay na itinanggi naman ng Brazilian Actor.

Ayon kay Daniel, pawang kasinungalingan ang lahat ng akusasyon sa kanyang girlfreind at hindi aniya ito magiging kasiraan sa kanilang relationship.

Matatandaan na dati nang sinabi ni Daniel na tatlong taon niyang ipinagdasal ang pagkakaroon ng girlfriend na kagaya ng mga qualities ngayon ni Erich kaya wala umanong makaghihiwalay sa kanilang dalawa.

Speak Your Mind

*