Edgar Alan Guzman, wag daw bigyan ng kulay ang closeness nila ni Maxene Magalona

Iginiit ni Edgar Allan Guzman na hindi dapat bigyan ng ibang kahulugan ang closeness nila ng kapwa contestant ng kapamilya show na your face sounds familiar na si Maxene Magalona.

Ayon sa aktor na pinalad na makasama sa four finalist ng nasabing show na nagtutulungan lang sila sa programa, katunayan ay minsan binoboto niya ang dalaga dahil feeling naman niya ay deserve ito na makakuha ng puntos.

Humingi narin ng paumanhin ang binata kay Maxene, maging sa ina nitong si pia magalona dahil din sa pagkakadawit ng pangalan nila sa pagpo-promote lang ng show.

Kaugnay nito, nauunawaan naman daw ng girlfriend ni Edgar na si Shaira Mae na tila nagagamit ang pangalan niya sa tambalan nina Edgar at Maxene.

Speak Your Mind

*