Golden State Warriors, isang panalo na lang makukubra na ang 2015 NBA title

Isang panalo na lang ang kailangan ng Golden State Warriors para makubra ang 2015 NBA Title.

Ito’y matapos pataubin ang kopunan ng Cleveland Cavaliers sa game 5 ng best of 7 series, sa score na 104 to 91.

Pinanganuhan ni 2015 NBA Most Valuable Player Stephen Curry ang pagkapanalo ng Warriors sa kaniyang 37 points, 7 rebounds at 4 assists.

Habang nag-ambag naman ng 16 points si Draymond Green at 14 points si Andre Iquodala para sa Warriors.

Bagama’t natalo ay gumawa naman ng 40 points si Lebron James para sa Cavaliers.

Gaganapin ang Game 6 ng 2015 NBA Finals sa Quicken Loans Arena sa Cleveland ngayong miyerkules.

Speak Your Mind

*