Golden State Warriors, nasungkit ang kauna-unahang kampeonato sa NBA

Nasungkit na ng Golden State Warriors ang kanilang kauna unahang titulo sa NBA makalipas ang 40 taon matapos matalo ang Cleveland Cavaliers sa score na 105-97.

Tinapos ng Golden State ang pag-asa nina Lebron James na paabutin pa ang serye sa game 7 matapos wakasan ang laro sa 4-2 record.

Ang MVP na si Stephen Curry ay nakapagtala sa 25 points, 6 rebounds at 8 assists habang si Andre Iguodala na nagtala rin ng 25 points ang tinanghal na Finals MVP.

Hindi naman umobra ang husay ni James ay meron namang 32 points, 18 rebounds at 9 assists.

Kasabay ng pagkapanalo, nagtala rin ng kasaysayan ang Warrior kabilang rito ang pagkilala kay Warriors’ Coach Steve Kerr, bilang kauna-unahang rookie head coach na nakasungkit ng NBA Title simula noong 1982.

Speak Your Mind

*