Jennylyn Mercado, itinangging nagkabalikan na sila ni Dennis Trillo

Nagsalita na si Jennylyn Mercado kaugnay sa napapabalitang pagbabalikan nila ng dating nobyo na si Dennis Trillo.

Inamin ng dalaga na minsan ay nagkikita sila ni Dennis pero hindi ibig sabihin ay may namamagitan na sa kanila.

Kung may lumabas man daw na picture nila ni Dennis ay marami silang kasama noon at magkahiwalay silang nakunan ng litrato kaya’t hindi umano dapat yun bigyan ng ibang kahulugan.

Sinagot din ng dalaga ang umano’y panunuod nila ni Dennis ng UFC fight night sa SM MOA Arena, aniya kung romantic date yun sana daw ay fine dining at hindi suntukan ang pupuntahan nila.

Giit pa ni Jennylyn sobrang busy niya ngayon kaya friends lang muna ang kaniyang mai-oofer sa ngayon kay Dennis.

Speak Your Mind

*