Kaso ng MERS-Cov sa South Korea, umabot na sa mahigit animnapu

Umabot na sa animnapu’t apat ang kumpirmadong kaso ng Middle East Respiratory Syndrome-Corona Virus sa bansang South Korea.

Dahil dito, lumobo na sa lima ang bilang ng mga pasyenteng nasawi.

Daan-daang eskuwelahan naman ang nagsara at daan-daang tao ang na-quarantine.

Humiling naman na ang North Korea na maglagay ang South Korea ng thermal-imaging cameras sa Kaesong Industrial Zone na kapwa pinamumunuan ng dalawang bansa.

Habang wala pang natutuklasang bakuna laban sa virus, sinabi ng mga eskperto na kumakalat ang MERS Virus sa pamamagitan ng close contact sa mga taong mayroon nito at hindi sa hangin.

Speak Your Mind

*