Kaso ng rabies sa Pangasinan, tumaas ng siyam porsyento ngayong taon

Tumaas ng siyam porsyento ang kaso ng rabies sa lalawigan ng Pangasinan ngayong taon kumpara noong nakaraang taon.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Anna de Guzman, kabuuang 12 kaso na ng rabies ang kanilang naitala ngayong taon, mula Enero hanggang Hunyo.

Samantala, noong 2014 ay 11 ang kaso ng rabies mula Enero hanggang Disyembre.

Puspusan ngayon ang kampanya ng Provincial Health Office (PHO) sa mga pangasinense na maging responsible pet owner at pabakunahan ang kanilang mga alagang hayop.

Speak Your Mind

*