Kris Aquino, balak manirahan sa Amerika kasama ang kanyang mga anak

Balak ngayon ng Queen of All Media na si Kris Aquino na manirahan sa Amerika kasama ang kanyang dalawang anak na si Joshua at si Bimby.

Sa salaysay ng aktres, gusto niyang mararanasan ng kanyang anak ang buhay na pinag-daanan niya noong nag-aaral siya sa Boston, Massachusetts, noong panahon ng martial law sa ilalim ng rehimeng Marcos, na kalaban sa pulitika ng ama ni Kris na si dating Senator Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

Dagdag ni Kris gusto niyang maranasan ni Bimby mag-school bus, lalakad papuntang bus stop at matuto sa mga gawain pang bahay tulad ng napag-dadanan ng akters noong siya’y nag-aral.

Samantala, kasalukuyang na sa bansang Japan ang mag-ina dahil ito ang ipinangakong bakasyon ng TV host aktres sa kanyang panganay na anak, na nagdiriwang ngayon ng kanyang kaarawan.

Speak Your Mind

*