Mariel Rodriguez, ayaw patulan ang mga bashers

Ayaw na pansinin ng TV/Host Aktres na si Mariel Rodriguez  ang kanyang mga bashers sa umanoy negative reaksiyon ng aktres sa nalalapit na kasal nina Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano.

Matatandaang nagkaroon ng alitan nga sina Toni at Mariel  noong magkasama pa ang mga   ito sa trabaho.

Ayon kay Mariel, ayaw nitong patulan ang naninira sa kanya sa social media at ayaw rin daw ng aktres na sabihing defensive siya.

Mahalaga rito anya ay honest siya  at  kahit sino namang kakilala ang ikakasal ay masaya naman siya.

Pinaliwanag rin ni Mariel na ang alitan nila ni toni noon ay lumipas na at wala nang problema.

Speak Your Mind

*