Mariel Rodriguez, sinundan na ang asawang si Robin Padilla sa Spain

Umalis na ng bansa si Mariel Rodriguez upang sundan ang kanyang mister na si Robin Padilla sa Spain.

Hindi nakasabay si Mariel kay Robin dahil sa mga shows niya na kailangan niya munang tapusin.

Bukod sa Spain ay pupunta rin daw sila sa Portugal at Southern France.

Maliban dito ay magkakaroon din daw ng pagkakataon na maka-bonding niya ang mga anak niyang sina Queenie at Zhen Zhen Padilla.

Kung si Mariel ang tatanungin, maayos naman daw ang relasyon niya sa mga anak ni Robin.

Hindi daw siya nagpapaka-nanay sa mga ito bagkus itinuturing niya itong mga kaibigan.

Speak Your Mind

*