Occupational Safety and Health Standard, dapat umanong masunod – DOLE

Mismong si DOLE Secretary Rosalinda Baldoz na ang personal na nananawagan sa kamara na palakasin pa ang batas kaugnay sa mga employer o kompanya na hindi susunod sa Occupational Safety and Health Standard

Ayon kay Baldoz, sa ngayon wala pang malinaw na probisyon ang bansa kaugnay sa mga pabayang employer sa bansa lalo na kung buhay ng mga manggagawa ang nakasalalay rito

Sinabi pa ng DOLE na handa naman silang tumugon sa anumang probisyong ipatutupad ng batas para masigurong ligtas ang mga manggagawa sa kanilang mga kompanyang pinagtatrabahuhan

Ani Baldoz, tanging pagpapasara lang sa mga kompanya ang kayang ipatupad ng kanilang tanggapan dahil sa wala pang matibay na parusang ibinibigay kaugnay sa nabanggit na pagpapabaya ng mga employer sa kapakanan at karapatan ng kanilang mga empleyado.

Speak Your Mind

*