Oil price rollback, nakatakdang ipatupad ngayong linggo

Nakatakdang magpatupad ng kakarampot na oil price rollback ng mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong linggo.

Sa pagtaya, posibleng bumaba ng 25 hanggang 35 sentimos ang presyo ng kada litro ng diesel habang 10 sentimos naman sa gasolina at kerosene.

Ang nakaambang bawas-presyo sa petrolyo ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Matatandaan na noong Hunyo 16,nagtaas ang mga kumpanya ng langis ng P1.05 sa kada litro ng gasolina at 15 sentimos sa diesel at kerosene dahil sa pagtaas ng contract price ng langis sa International Market.

Speak Your Mind

*