Open High School System, isinusulong sa dalawang kapulungan ng kongreso

Upang mabawasan ang bilang ng mga estudyante sa loob ng isang silid-aralan, raratipikahan ng dalawang kapulungan ng kongreso ang Open High School System (OHSS).

Sa pamamagitan nito, puwede nang makapag-aral sa kanilang bahay ang mga high school student.

Napag-alaman sa House Rules Committee, na nakatakda nang isalang sa ratipikasyon ang nasabing panukalang batas na pinagtibay na sa Bica-Meral Conference Committee Meeting kamakailan.

Sa ilalim ng “Open High School System Act, magtatatag ang lahat ng High School Institution sa bansa ng OHSS.

Sa ngayon ay may ilan nang eskuwelahan sa bansa lalo na sa metro manila ang gumagamit na ng nasabing sistema bilang alternative secondary education program ng Department of Education (Deped).

Gayunpaman, nais ng kongreso na ipatupad ang sistemang ito sa lahat ng secondary school sa buong bansa.

Speak Your Mind

*