Pagtaas ng cash incentive ng mga day care workers, isusulong sa Pangasinan

Bubuksan sa Sangguniang Panlalawigan ni Vice-Governor Ferdie Calimlim ang usapin hinggil sa pagtataas ng amelioration o cash incentive para sa mga Day Care Workers.

Ang amelioration ay mula sa trust fund ng provincial government.

Sa naganap na 4th Day Care Workers’ Provincial Convention sa Sison Auditorium ay nagpahayag naman ng pagsuporta sa naturang hangarin si Board Member Amado “Pogi” Espino III, ang nagsilbing pangunahing bisita.

Ipinarating ng batang Espino na nagpahayag na ng suporta na si Gov. Amado Espino Jr. sa pagdaragdag ng insentibo at ang amelioration aniya ay ipapamahagi sa susunod na taon.

Dagdag pa ni bokal Espino, na Liga ng mga Barangay Provincial President na suportado ng kasalukuyang administrasyon ng probinsya ang libu-libong day care workers sa Paangasinan dahil hanga sila sa pagsisikap at sakripisyo na ginagawa ng mga ito sa kanilang mga barangays.

Binigyang diin nito na ang pagod at hirap ng mga Day Care Workers ay hindi mapapantayan kasabay ng kanyang pasasalamat sa paghubog a pag-iisip ng mga bata sa barangay, na future leaders ng Pangasinan.

Speak Your Mind

*