Panahon ng tag-ulan, opisyal nagsimula – Pag-asa Dagupan

Nag-umpisa na ang panahon ng tag-ulan nitong Martes, Hunyo a-Bente tres, ayon sa Pagasa na nakabase sa Dagupan City.

Sinabi sa sonshineradio ni Chief Meteorological Officer Engr. Greg de Vera ang pagdedeklara ay ginawa ng pagasa matapos maitala ang dalawang kategorya sa pagsisimula ng tag-ulan.

Ipinaliwanag ni de Vera sa sonshine radio na ang unang kategorya ay maka-ipon ng 25 amount ng rainfall ang pagasa sa loob ng limang sunod-sunod na araw mula sa lima stations nito na naipatayo sa western side ng Luzon at Visayas.

Pangalawa ay ang pagpasok ng habagat o southeast monsoon na nararanasan na rin sa ngayon.

Speak Your Mind

*