Panibagong oil price hike, nakaumang ngayong linggo

May nakaamba na naman ngayong linggo na panibagong oil price hike.

Base sa tala ng Oil Industry sources, nasa halos piso ang magiging paggalaw sa presyo ng kada litro ng gasolina habang naglalaro naman sa sampu hanggang dalawampung sentimo sa presyo ng produktong diesel.

Dahil dito, aabot sa mahigit na apat na piso ang itinaas sa presyo ng gasolina simula noong enero ngayon taon base sa pag-aaral ng Department of Energy (DOE).

Samantala, nasa mahigit piso naman ang naging dagdag presyo sa diesel matapos ang mga serye ng rollback at oil price hike sa produktong petrolyo.

Speak Your Mind

*