Panukalang batas na Tax incentives, lusot na sa Senado

Pinagtibay na sa senado ang panukalang batas para mas gawing transparent at magkaroon ng accountability sa pagbibigay ng tax incentives sa mga inndibidwal, negosyo  at  korporasyon.

Layon ng Senate Bill 2669  o  Tax Incentives Management and Transparency Act  o  timta na alamin kung may pakinabang sa ekonomiya ang pagbibigay ng tax incentives.

Ang pagbibigay ng insentibo sa buwis ay ginagamit na pang-akit ng gobyerno sa mga negosyante para mamuhunan sa bansa.

Alinsunod sa bill, aatasan ang Department of Finance na bumuo ng database upang kanilang ma-monitor at mapag-aralan ang pagbibigay ng gobyerno ng tax incentives.

Isusumite ang resulta ng taunang pag-aaral sa Department of Budget at bibigyan din ng kopya ang Office of the President at chairman ng senate committee on finance at house committee on appropriations.

Speak Your Mind

*