PDRRMO, naka-white alert status na kasabay sa opisyal na pag-pasok ng tag-ulan

Naka-white alert status na ang pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) matapos i-anunsyo ng Pag-asa ang opisyal na pag-uumpisa ng tag-ulan.

Ayon kay PDRRMO Spokesperson Avenix Arenas, kabilang sa kanilang binabantayan ngayon ay ang water level ng San Roque Dam, suplay ng kuryente, at mga pangunahing lansangan.

Kinumpirma rin nito na sa kasalukuyan ay handa na ang kagamitan at behikulo ng pdrrmo na maaari nilang magamit sa pagrespundi sa posibleng pagpasok ng kalamidad.

Sumailalim na rin anya sa pagsasanay ang mga empleyado ng PDRRMO sa paggamit ng mga bagong pasilidad.

Malaking tulong din sa pagbabantay nila ng lagay ng panahon sa tulong ng Automated Weather Station.

Speak Your Mind

*