Presyo ng bigas, nakaambang tumaas ngayong buwan ng Hunyo

Panibagong pasanin na naman ang inaasahang kakaharapin ng sambayanang Pilipino bunsod ng naka-ambang pagtataas ng presyo ng bigas ngayong buwan ng hunyo.

Tinatayang nasa piso hanggang tatlong piso ang inaasahang magiging paggalaw sa presyo ng kada kilo nito.

Pumapatak kasi na nasa limampung piso kada sako ng bigas ang itinaas nito mula sa mga rice dealer.

Ipinaliwanag naman ng National Food Authority (NFA) na epekto ito ng pagbabawa ng supply ng bigas dahil sa pagpasok ng lean season.

Sa ngayon, nasa 36-piso ang presyo sa kada kilo ng regular milled rice habang nasa 40-piso naman ang well-milled rice.

Naglalaro naman sa 46 hanggang 54-piso ang presyo sa kada kilo ang premium rice.

Speak Your Mind

*