Presyo ng mga produktong petrolyo, muling tumaas

Muling nagtaas ng presyo ng kanilang mga produkto ang mga kumpanya ng langis.

Epektibo kaninang alas-12:01 ng hating-gabi, nang ipatupad ng mga kompanya ng langis ang nasa 1.05-pesos na umento sa presyo ng kada litro ng gasolina.

Habang nasa kinse sentimos naman ang umento sa kada litro ng diesel at kerosene.

Samantala, umabot naman sa 90-sentimos ang taas-presyo sa kada litro ng gasolina ng Eastern Petroleum.

Alas-sais naman ngayong umaga, ay ipatutupad ng PTT Philippines at Phoenix Petroleum ang kaparehong dagdag presyo sa kada litro ng gasolina at diesel.

Speak Your Mind

*