Public hearing ng senado para sa panukalang BBL, ipagpapatuloy

Ipagpapatuloy ngayong araw sa senado ang public hearing para sa panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Sinabi ni Sen. Ferdinand Bongbong Marcos Jr., na siyang chairman ng senate committee on local government nakalaan ang public hearing ng senado para sa mga iba pang stakeholders na hindi pa napapakinggan ang kani-kanilang pananaw sa panukalang BBL.

Ito ay kinabibilangan ng women’s, health at ang economic implication ng pagpasa ng panukalang BBL.

Samantala, ngayong araw ang huling committee hearing na gagawin ng Senado para sa panukalang BBL.

Sinabi rin ni Sen. Marcos na agad nitong bubuuin ang substitute bill para sa BBL pagkatapos ng public hearing ngayong araw.

Speak Your Mind

*