Singil sa kuryente ng Meralco, bababa ngayong buwan

Bababa ang singil ng kuryente na aabot sa 58-sentimos kada kilowatt hour ngayong buwan ng Hunyo na ipapatupad ng Manila Electric Company (Meralco).

Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, ang pagbaba ng singil sa kuryente ay bunsod na rin ng mas mababang generation charges mula sa mga supply contracts nito sa Independent Power Producers (IPP’s).

Bukod sa IPP’s ay bu­maba rin ang singil ng power supply agreements  dahil sa  mas pinahusay na fuel use at dispatch ng ilang planta.

Sa computation ni Zaldarriaga, ang mga costumer na nakakagamit ng 200 kilowatt hour kada buwan ay matatapyasan ng 116-piso sa kanilang babayaran.

Ipinaliwanag ni Zaldarriaga na ang generation charge ay bumaba ng 36 centavos na maituturing na pinakamababang pagbaba mula noong Oktubre 2010.

Ito anya ang ika-4 na pagkakataon na bumaba ang singil sa kuryente nga­yong taon.

Speak Your Mind

*