Singil sa tubig ng Manila Water Company, bababa naman sa Hulyo

Inaasahang bababa ang singil ng tubig ng Manila Water Company sa ikatlong bahagi ng taon.

Ayon sa Manila Water, ang pagbaba ay bunsod na rin ng foreign currency differential adjustment na umaabot sa 20 sentimos kada cubic meter.

Ang pagbaba sa singil sa tubig ay ipatutupad ng Manila Water simula ika-1 ng Hulyo. Kabilang dito ang Makati, Mandaluyong, Pasig, Pateros, San Juan, Taguig, Marikina, malaking bahagi ng Quezon City, ilang bahagi ng Maynila.

Gayundin ang mga bayan ng  Angono, Antipolo, Baras, Binangonan, Cardona, Jala-Jala, Morong, Pililia, Rodriguez, San Mateo, Tanay, Taytay at Teresa sa lalawigan ng Rizal.

Speak Your Mind

*