U.S Secretary of State, stable na matapos maaksidente habang nagbibisikleta sa France

Nasa maayos nang kalagayan si US Secretary of State John Kerry matapos magtamo ng leg injury nang aksidenteng mabangga habang nagbi-bisikleta sa France.

Ayon sa State Department, agad isinugod si Kerry sa Geneva University Hospital lulan ng isang helicopter at inilipat sa Massachusetts General Hospital sa Boston.

Sa ngayon nakauwi na si Kerry mula sa ospital at kasalukuyang nagpapagaling sa kaniyang bahay.

Dahil sa aksidente, pansamantalang kinansela ang pagpunta sana ni Kerry sa Madrid, Spain para pumirma ng isang defense deal at sa Paris naman para pag-usapan kung paano mapipigilan ang mga militanteng Islamic State.

Speak Your Mind

*