VP Binay, ‘Most Trusted Official’ ayon sa Pulse Asia Survey

Si Vice President Jejomar Binay daw ang pinaka-pinagkakatiwalaang opisyal ng pamahalaan ngayon.

Ito ang resultang lumabas sa pinaka-huling survey ng Pulse Asia, nakakuha si VP Binay ng 57 percent trust rating- mas mataas sa 42 percent trust rating na nakuha nito noong Marso.

Pumangalawa sa kanya si Pangulong Noynoy Aquino na may 50 percent trust rating na sinundan naman ni Senate President Franklin Drilon na nakakuha ng 45 percent trust rating.

Nkauha ni House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte ang ikatlong pwesto na may 28 percent trust rating habang nasa ikaapat namang pwesto si  Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na may 27 percent trust rating.

Isinagawa ang survey noong Mayo a-singko hanggang Hunyo a-singko sa kasagsagan ng pagdinig ng senado sa umano’y overpriced Makati City Hall Building Two kung saan iniuugnay si Binay.

Speak Your Mind

*