Warriors, nangakong babawi sa game three ng NBA Finals kontra Cavaliers

Naka-move on na ang Golden State Warriors ilang oras matapos ang pagkatalo nito sa game two ng NBA Finals.

Ayon kay Warriors Head Coach Steve Kerr, hindi naging maganda para sa kanilang koponan ang game two matapos mahigpit na mabantayan si NBA MVP Stephen Curry.

Matapos ang pagkabigo ng mga warriors fans sa kanilang homecourt dahil sa pagkatalo sa game 2, tiniyak ni Kerr na lalo nilang paiigtingin ang kanilang laro at agad nilang ni-review ang laro upang mapunan ang mga pagkukulang para makabawi ng dalawang panalo sa homecourt mismo ng Cavs.

Speak Your Mind

*