8 oras na power interruption, mararanasan sa ilang bayan ng Pangasinan sa July 23

Walong oras ang mararanasang kawalan ng suplay ng kuryente sa ilang lugar sa pangasinan sa huwebes, Hulyo a-bente tres.

Sinabi sa sonshine radio ni Engr. Rodigo Corpuz, ang General Manager ng Cenpelco na magsisimula ang power interruption dakong alas nuebe ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

Apektado ang buong bayan ng Aguilar, Mangatarem, at Urbiztondo.

Tatapyasin ng Cenpelco ang mga sanga ng punong kahoy sa lugar upang maiwasan na dumikit kanilang linya.

Sa nabanggit din na araw ay makakaranas ng labing limang minutong walang suplay ng kuryente sa buong lungsod ng San Carlos at bayan ng Bugallon, mula alas nuebe hanggang ala nuebe kinse ng umaga.

Sa hapon naman, mula alas kuwatro kwarentay singko hanggang alas singko ay apektado ang buong bayan ng Binmaley, Lingayen, at Malasiqui.

Speak Your Mind

*