Bukod sa pekeng bigas at bihon, pekeng gamot kumakalat na rin

Hindi lamang pekeng bigas at bihon ang nagkalat ngayon sa merkado kundi maging ang mga pekeng gamot.

Ito ang dahilan kung kaya’t nanawagan si Cebu Rep. Gerald Anthony Gullas Jr. na muling maglunsad ng giyera laban sa mga pekeng gamot.

Ito’y upang maproteksyunan ang mga mamamayan lalo na sa panahon ngayon na uso ang ubo at trangkaso dahil sa papalit-palit na panahon.

Karamihan sa mga gamot na ito ay ginagamit ng mamamayan para mawala ang kanilang sipon, pananakit ng katawan, ubo sakit ng ulo at kung ano-ano pa na hindi na kailangan ang reseta.

Nababahala ang mambabatas na imbes na makatulong ang mga gamot na ito sa mga tao na nagkakaroon ng karamdaman lalo na ngayong panahon ng tag-ulan ay lalong malagay sa panganib ang kanilang buhay.

Speak Your Mind

*