Chris Brown, nasa bansa na para sa MOA Arena concert mamayang gabi

Nasa bansa na ngayon ang grammy nominated artist na si Chris Brown para sa kanyang concert sa Mall of Asia Arena sa Pasay City mamayang gabi.

Dumating ang American singer, dancer at actor na si Christopher Maurice, o mas kilalang si Chris Brown ay lulan ng private jet na may US Registry Number N227GM galing Japan.

Pagkatapos ng concert ni Brown aalis muli ito sa bansa patungong Hongkong

Una nang nakansela ang New Year’s Concert ni Brown sa bansa noong December 31, 2015 matapos na mawala ang kanyang passport.

Speak Your Mind

*