Dagupan City, kabilang na naramdam ng pagyanig kagabi

Kabilang ang lungsod ng Dagupan sa nakaramdan ng magkasunod na lindol ang yumanig kagabi sa mga karating lalawigan sa rehiyong uno.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong alas-8:56 ng gabi nang tumama ang magnitude 5 na lindol sa bayan ng Batac at Marcos, Ilocos Norte.

Natukoy ang sentro ng tectonic na lindol sa lalim na 40 kilometro habang dama ang pagyanig sa Vigan, Santa at Paoay Ilocos Norte na may intensity 4.

Intensity 3 naman ang naranasan sa Sarrat, Ilocos Norte; Baguio City; Abra City; Ballesteros, Cagayan.

Habang intensity 2 sa Tuguegarao, Aparri at Apayao City at intensity 1 naman sa Dagupan City.

Speak Your Mind

*