R1MC, pinag-iingat ng publiko sa sakit na Schistosomiasis

Pinag-iingat ngayon ng Department of Health (DOH) ang mga magsasaka sa sakit na Schistosomiasis na karaniwang nakukuha tuwing panahon ng tag-ulan

Ito’y kasabay sa paggunita ng ahensya sa Schistosomiasis Awareness Month ngayong Hulyo.

Sa panayam ng sonshine radio kay Dr. Jocelyn Angeles, ang head ng Hospital Epidemiology Center ng Region One Medical Center (R1MC), sinabi nitong ang sakit na Schistosomiasis ay isang parasitic infection bunga ng schistosoma.

Ayon kay Dr. ANGELES, dalawang klase ang schistosomiasis, ang una ay maaari itong intestinal na ang apektado ay ang gastro intestinal tract, at pwede ring urogenital na ang apektado ay ureter, kidney at ang bladder.

Ipinaliwanag nitong ang nabanggit na sakit ay nakukuha sa pamamagitan ng close contact sa tubig na infected ng itlog na nagmumula sa fresh water snail na ang karaniwang kinakapitan ay mga magsasaka.

Speak Your Mind

*