Health Care Program ng Pangasinan, nagsisilbi pang modelo ng ibang probinsya

Nagsisilbing modelo ng ibang probinsya sa Pilipinas ang ipinapatupad na Health Care Program ng Pangasinan Provincial Government.

Ito ang tinuran ni Gov. Amado Espino Jr. panayam ng sonshine radio kaugnay ng ipinupukol ng kanyang mga kritiko na walang magandang health care program ang kanyang administrasyon.

Ipinaliwanag ni Espino na sa ilalim ng “Point of Care Program” ng probinsya lahat ng mga papasok na mahihirap sa pampublikong pagamutan gaya ng panganganak, mag-papa-opera at magpapa-gamot ay wala silang babayaran.

Sa ilalim ng Point of Care Program, ang lahat ng mahihirap ay “No Balance Billing” o walang babayaran.

Speak Your Mind

*