Kalusugan pampamilya Caravan, isinagawa sa anim na barangays sa Bayambang

Isinagawa sa bayan ng Bayambang, Pangasinan ngayon ang Kalusugan Pampamilya Caravan.

Ayon kay Dr. Pat Vallo, nagsagawa ng counselling sa anim na barangays ang mga health experts.

Ang mga kalahok ay kinabibilangan ng mga buntis, kabataan, kababaihan at iba pa.

Kinumpirma ni Dr. Vallo na may natukoy na anim na high-risk pregnant women mula sa anim na komunidad.

Ang mga ito ay binigyang na libreng ultrasound at laboratory examination para maiwasan ang peligro ng panganganak.

Pinangunahan ng Department of Health (DOH) ang aktibidad sa layon na maibsan ang kahirapan sa lugar, dahil kasama ang bayan ng bayambang sa asap core ng accelerated sustain anti-proverty program ng nabanggit na departamento.

Speak Your Mind

*