Livelihood Program ng Owwa para sa mga OFW na minalas ibang bansa, nagpapatuloy

Nag-aalok ang Overseas Workers Wlefare Administration (OWWA) ng Livelihood Program para sa mga hindi pinalad na magtagal o may hindi magandang karanasan sa ibang bansa.

Sinabi ni Gerardoo Rimorin, ang OWWA Officer ng rehiyon uno na ito ay sa pamamagitan ng “Balik Pinas, Balik-Hanapbuhay Program”.

Ang mga maaaring mag-aplay sa nabanggit na programa ay ang mga Oversear Filipino Workers na hindi natapos ang kontratadahil sa giyera, nagkaroon ito ng sakit, nagka-problema sa kanyang employer, minamaltrato o tumakas.

Ipinaliwanag naman ni Rimorin na hindi cash na 10,000 pesos ang kanilang ibinibigay sa OFW na nag-aplay ng livelihood program ng OWWA kundi ito ay sa pamamagitan ng in kind.

Speak Your Mind

*