Loan Program para sa livelihood ng mga OFWS, patuloy na ipinapatupad ng OWWA

Aabot sa minimum na 300,000 hanggang two million pesos ang maaaring utangin ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa isang bangko.

Ito ay sa pamamagitan ng re-integration o Loan Program para sa livelihood ng mga OFWS na ipinapatupad ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) katuwang ang Land Bank of the Philippines (LBP).

Ayon kay Gerardo Rimorin, ang OWWA Officer ng rehiyon uno, nag-i-iskedyul rin sila ng Enterpreneurship Development Training (EDT) bilang karagdagang tulong sa mga OFWS.

Sa edt ay iniimbitahan ng OWWA ang Department of Trade and Industry (DTI) at Land Bank of the Philippines.

Tatalakayin ng kawani ng DTI ang hinggil sa pagiging matagumpay sa pagnenegosyo, magandang kinabukasan ng negosyo at ang mga isyung legal na maaaring kaharapin sa pagkakaroon ng negosyo.

Samantalang, ang kinatawan naman ng LBP ay ipapaliwanag nito ang mechanics sa pag-avail at kung paano mag-aplay ng loan.

Speak Your Mind

*