Mga pekeng pera, kumakalat na umano sa tatlong probinsya ng Bicol

Nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), laban sa kumakalat na pekeng pera sa tatlong probinsya sa Bicol.

Ayon kay Marlyn Paje, Deputy Director at Regional Manager ng BSP, nakatanggap sila ng report na mayroong kumakalat na pekeng pera sa mga probinsya ng Sorsogon, Masbate at Catanduanes.

Karamihan ng kumakalat na pekeng pera ay nasa 500 at 1,000 denominations.

Ayon sa mga otoridad, lubhang nakakabahala ang pagkalat ng mga pekeng pera, kung saan noong isang taon ay umabot sa P600,000 halaga ng pekeng pera ang kumalat sa Bicol.

Speak Your Mind

*