Sen. Revilla, hiniling na madalaw ang amang si dating Sen. Revilla Sr. sa hospital

Hihilingin ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. sa sandiganbayan na payagan siyang madalaw ang kanyang amang si Dating Senador Ramon Revilla Sr.

Ang matandang Revilla ay isinugod sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City dahil sa pneumonia at dehydration.

Ayon sa tagapagsalita ng mga Revilla na si atty. Raymond Fortun, nais mabisita ng nakakulong na senador ang kanyang ama na ngayon ay nasa Intensive Care Unit (ICU).

Ang senador ay kasalukuyang nakakulong sa PNP Custodial Center sa Kampo Crame dahil sa kasong plunder bunsod ng pagkakasangkot sa Pork Barrel Scam.

Speak Your Mind

*